yes, tapos na ang ilang mga dapat isagawa ngayong araw na to. pagka gising ng mga alas singko ng umaga, nagmuni-muni saglit, then get up from bed tas deretso sa banyo at naligo na.. sarap ng pakiramdam. after maligo ay gumayak na tas kasama ang mga kapatid at hipag.. ayun nagtungo sa simbahan para dumalo ng misa.
pagkagaling sa misa, naglakad patungo sa palengke kasama pa rin ang mga kapatid at hipag. this is one of the things i am not usually doing everyday or every weekend specially on sunday morning after mass. so anu pa nga ba, e di ayun.. namalengke, bumili ng dalawang kilong tahong, saging, mangoes, labong, saluyot, karne ng baboy na isasarabasab, kalamansi, tinudok para sa pamangkin at moryekos. tas after mabili ang mga dapat bilin, ayun lakad muli, maya-maya sa kalagitnaan ng paglalakad, may bumusinang sasakyan, pag lingon, ayun si dr.solas pala, kapitbahay, sabi “sakay na kyo,” so anu pa nga ba, e di sumakay kami.. kakahiya naman kung hihindi kami.
pagdating sa bahay, ayun.. nagmano at humalik sa tatay at nanay. at habang nag hahanda sila ng pang almusal, ayun, i grabbed the opportunity to send morning messages, tas nag online sa Facebook saglit to say good morning, etc.. tas sakto after nun, nagtawag nang kumaen.
habang kumakaen, kasal ang topic. dumating din kasi ang kapatid ng hipag kong babae na galing sa simbahan at nagplaplanong magpakasal sa kanyang boyfriend this coming june 4. umaatikabong suggestions at usapan tungkol sa nalalapit na kasalan hanggang sa matapos kumaen, tingin ng wedding pictures, damit, receptions pati ang pre-nuptial photo shoot.
well, ano nga ba ang pakiramdam ng ikakasal o magpapakasal? excited ba talaga? nandun ba ang presensya ng kaba o pawang kaligayahan lamang? pano ang responsibilidad bilang haligi at ilaw ng tahanan? kamusta ang mga preparation sa pagbuo ng maliit o malaking pamilya? kelangan pa ba talaga ang kasal sa isang relasyon? pwede bang wala nang kasal, basta ang importante e nagkakaintindihan at nagmamahalan ang isang lalake at babaeng piniling mag “live in?” ano nga ba ang batayan kung bakit magpapakasal ang dalawang mag-irog? lalake at babae lang ba talaga ang dapat ikasal? sino ba ang dapat ikasal? kanino ba dapat magpakasal? may pakakasalan ba ako? may magpapakasal ba sa akin? magpapakasal pa ba ako?
ilan lang yan sa maraming katanungan ng napakaraming nilalang sa mundo. every individual have its own reasons why marriage is very important at tanging ang dalawang nilalang lamang ang nakakaalam ng kasagutan kung bakit sila magpapakasal. whatever the reasons are, its up to them, i respect it from the bottom of my heart, the same way that i am asking respect whatever the reasons i have for not marrying or why until now.. i am single yesterday, today and tomorrow. aside from me, only God knows where my story ends..
isang mapagpalang oras po sa inyu. inaantok pa ako at walang-wala sa wisyong gumawa ng assignments, projects, paper works, maglinis sa kwarto at kung ano-ano pa, basta isa lang ang gusto kong gawin ngayong araw na to, yan ay…, TO REST